Connect with us

Business

GCash target magkaroon ng Buy Now, Pay Later (BNPL) service ngayong taon

Published

on

GCash target magkaroon ng Buy Now, Pay Later (BNPL) service ngayong taon

Target ng GCash na maka-launch ng Buy Now, Pay Later (BNPL) service ngayong taon.

Ang BNPL ay isang short-term financing service na nagpapahintulot sa mga consumers na bumili ng mga items, at pwedeng bayaran sa mga sumunod na petsa o araw, at kadalasan, ito’y interest-free.

Itong payment scheme ay sumikat sa mga online purchases sa ibang bansa.

Binibili ng PayPal ang Japanese BNPL pioneer Paidy sa halagang $2.7 bilyon, habang si Jack Dorsey naman (Twitter founder) ay binibili ang Australian BNPL leader Afterpay sa halagang $29 bilyon.

Ayon sa GCash, ang initiative na ito ay bahagi ng kanilang “expanding array of financial services.”

Sinabi din ng kumpanya na ang kanilang in-house lending service na GCredit, ay nag-aaverage ng P1 bilyong halaga ng mga loans sa loob ng isang buwan, at may P15 bilyon halagang na ang na-disbursed ngayong taon, (as of June).

Nagpahayag din ang Ayala-led fintech na sinusubukan nila ang GLoan, isang bagong service na nagbibigay-daan sa mga qualified users na humiram ng hanggang P25,000, na may repayment spread sa loob ng 12 na buwan.

“The service is doing well and has shown the fastest-growing revenue for its category,” sabi ng GCash batay sa ulat ABS-CBN News.

“As a driver of financial inclusion, our objective is clear, and that is to ease the friction being experienced by unbanked and underserved Filipinos,” pahayag ni Martha Sazon, President at CEO ng GCash.

(Source: ABS-CBN News)

Continue Reading