Connect with us

Business

Halos P1. 6 Billion na pautang, nailabas na ng DBP, Landbank para sa PUV Modernization Program ayon sa LTFRB

Published

on

Seryoso ang Development Bank of the Philippines at Landbank of the Philippines na suportahan ang Public Utility Vehicle Modernization Program ng pamahalaan.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Martin Delgra, halos P1.6-billion na ang naibigay na pautang ng dalawang bangko sa iba’t ibang transport service cooperatives at pinagsama-samang korporasyon para sa implementasyon ng programa.

Bukod dito, mayroong higit pa sa P4-billion na nakabinbin na pautang sa pipeline na “for approval” na ng mga bangko.

Base sa datos, pinakamalaking pautang na ipinagkaloob ng DBP ay ang P109-million loan sa Diamond Transport Service Cooperative para sa 75 units ng Public Utility Vehicle sa Caraga Region.

Habang ang Landbank naman ay inaprubahan ang halos P106-million loan ng PM Jeepney Drivers and Operators Services Inc. para sa 60 units nito sa National Capital Region.

Ang mga eligible corporation o cooperative borrowers na ito ay nag-avail sa loan program ng mga bangko na may 6% interest kada taon at babayaran sa loob ng 7 taon.

Bukod pa dito ang P80,000 subsidy na ibibigay ng gobyerno sa kada unit ng Public Utility Jeepney.

By: Rey Ferrer

Source: radyopilipinas.ph