Connect with us

Agriculture

Higit isang milyong magsasaka ang nakatanggap ng P5K cash aid mula 2019-2021

Published

on

Farmers

Mahigit P8.2 bilyon ang naipamahagi ng Land Bank of the Philippines (Landbank) at Development of the Philippines (DBP) para sa isang milyong kuwalipikadong magsasaka ng palay mula 2019 hanggang 2021, ayon sa datos ng Department of Agriculture (DA).

Nakatanggap ng halagang P5,000 in direct at unconditional cash aid ang mga magsasaka.

Ang dalawang institusyong pinansyal ng estado ay nagpamahagi ng cash aid bilang bahagi ng Rice Farmers Financial Assistance Program (RFFA) ng DA sa ilalim ng Rice Tariffication Law (RTL), o Republic Act 11203.

Ang mga farmer-beneficiaries na tumatanggap ng PHP5,000 cash aid ay dapat na nakarehistro sa Registry System for the Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Sa ilalim ng RA 11203, ang mga rice import tariffs na lampas sa PHP10 bilyon na nakalaan taun-taon para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) ay maaaring gamitin upang magbigay ng tulong pinansyal sa mga nagtatanim ng palay, bukod sa iba pang posibleng opsyon.

Ayon rin sa batas na lahat ng rice tariffs na lumampas ng P10 bilyon ay dapat gamitin lamang para sa tulong pinansyal hanggang 2024 sa mga magsasaka na nagtatanim sa 2 ektarya (ha) o mas mababa.

“The Rice Tariffication Law has achieved its dual goal of bringing down retail rice prices while helping farmers improve productivity through the Rice Competitiveness Enhancement Fund,” Finance Secretary Carlos Dominguez III said in a statement Monday.

Mula Marso 2019 hanggang 2021, may kabuuang P46.6 bilyong rice import duties ang nakalekta ng BOC.

Nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang RTL bilang batas noong Peb. 14, 2019 bilang RA 11203.

Pinalitan ng batas na ito ang mga rice import quantitative restrictions (QRs) ng mga taripa.

Sa kasalukuyan nang dahil sa RTL, bumaba ang mga presyo ng bigas sa average na P39 kada kilo (kg) o pagbabawas ng humigit-kumulang P7 kada kilo kumpara sa halaga nito noong 2018 kung saan umabot ito sa humigit-kumulang P47 kada kilo.

(PNA)

Continue Reading