Business
IDOL SHOPPING NETWORK NI RAFFY TULFO, BAGONG KAKUMPETENSYA NG SHOPPEE AT LAZADA
Kamakailan lamang ay binatikos ni Raffy Tulfo ang Lazada at Shopee dahil sa umano’y pagwawalang bahala ng mga ito sa paglaganap ng mga pekeng produkto sa kanilang online shopping platform.
Dahil sa patuloy pa rin ang nasabing kalakaran, tila napuno na ang batikang mediaman kung kaya’t maglulunsad siya ng kaniyang sariling online shopping platform, at tatawagin itong Idol Shopping Network (ISN).
Layon ni Tulfo na ang ISN ay magkaroon ng higit na mabusisi at mas striktong pagsala ng mga merchants at kanilang mga produkto. Kabilang din sa rekisito at proseso ang pagtatalaga ng official company representative upang magpatunay na authentic at de-kalidad ang mga produkto.
Kasama sa layunin ng ISN na pangalagaan din ang kapakanan ng mga sellers laban sa mga tinaguriang “bogus buyers.”
Dagdag pa ni Tulfo, hindi niya alintana kung sakaling magsimula man ang ISN na may iilang vendors lamang. Nakikita rin umano niya ang papel na gagampanan ng ISN para sa mga magsasaka, at sa mga may maliliit na negosyo.