Connect with us

Business

Ilang kompanya ng langis, kinuwestiyon ng DOE sa bitin na oil price rollback

Published

on

Photo from the web.

Naglabas ng show cause order ang Department of Energy (DOE) kung saan pinagpapaliwanag ang ilang kompanya ng langis kaugnay ng ipinatupad nilang oil price rollback ngayong linggo.

Naniniwala kasi  ang DOE na mas malaki dapat ang naging tapyas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ni Energy Assistant Secretary Leonido J. Pulido III, na mayroong hanggang lunes (Oktubre 7) ang mga kompanya na makapagsumite ng kanilang paliwanag.

“We want them to explain it. Hindi naman po namin sinasabi na mali sila, but we want to give them the opportunity to explain to us bakit po ganoon,” sabi ni Pulido.

Una nang sinabi ni Pulido na kulang ng P0.16 sentimo ang rollback sa diesel habang P0.07 sentimos naman sa gasolina.

Maliban dito, pinuna rin ng DOE ang mga nagbebenta ng Liquefied Petroleum Gas (LPG) na nagtaas ng sobrang P0.22 kada tangke.

Hindi naman sinabi ng DOE kung ano ang parusang ipapataw nito sa mga kumpanya ng langis kaugnay ng price rollback.

Sumipa ang presyo ng langis sa bansa nitong nakaraang linggo dahil sa nangyaring pag-atake sa oil industry ng Saudi Arabia.