Connect with us

Business

Imported food products na dapat ipa-ban, inaalam na ng Customs Bureau sa Dep’t of Agriculture

Published

on

(MANILA BULLETIN FILE PHOTO)

Masusing nakikipag-ugnayan na ang Bureau of Customs (BOC) sa Department of Agriculture (DA), upang mula dito ay matukoy ang mga produktong pang-agrikultura, at mga pagkaing galing ng ibang bansa na dapat ipa-ban.

Sa gitna na rin ito ng pagsisikap ng pamahalaan na mapigilan ang posibleng paglusot ng pinangangambahang Novel Coronavirus (nCoV) sa Pilipinas, na ngayo’y kalat na sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Customs Deputy Commissioner Teddy Raval, mahalagang malaman mula sa DA ang mga food items o food produtcs na pinaghihinalaang baka magsilbing carrier ng sakit, kung makakapuslit sa bansa.

Bukod dito, ayon kay Raval, ay nagpapatuloy din ang kanilang intelligence coordination network sa iba’t ibang bansa sa Asya, sa gitna ng paninigurong hindi lulusot ang sakit na nCoV dito sa ating teritoryo.

On full alert aniya ang intelligence and enforcement office ng BOC, para masigurong mapangangalagaan ang kaligtasan ng bansa laban sa Novel Coronavirus.

Source: radyopilipinas