Business
Inaasahang bababa muli ang presyo ng petrolyo ngayong linggo
Magandang balita muli para sa mga motorista, inaasahan na bababa ang presyo ng petrolyo ngayong linggo.
Ito na ang pang-limang sunod-sunod na linggo na nagkaroon ng rollback.
Ang fuel price projection ng Unioil Petroleum Philippines para sa Disyembre 7 hanggang 13 ay bababa ang halaga ng diesel ng P2.40 bawat litro, habang P2.30 bawat litro naman ang ibababa ng gasolina.
Kadalasan ina-anunsyo ng mga oil companies ang price adjustments tuwing Lunes at isasatupad ito sa susunod na araw.
Noong Nobyembre 30, nag-implement ng rolback ang mga fuel firm ng P1.10 hanggang P1.20 bawat litro para sa gasolina at P0.60 hanggang P0.70 bawat litro naman ang ibinaba ng diesel.
Ang year-to-end adjustments ay mayroong kabuuang net increase ng P18.10 bawat litro para sa gasolina at P15.70 bawat litro sa diesel.
(GMA News)