Business
Inaasahang tataas ang presyo ng mga bilihin dahil sa patuloy na pagtaas ng petrolyo; PH dapat maghanda sa epekto ng global inflation
Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo, nagsisimula na ring tumaas ang presyo ng mga bilihin, habang ang mga Philippine monetary authorities naman ay naghahanda na sa parating na higher global inflation at sa pagtaas ng rates ng US Federal Reserve.
Presyo ng mga Food Products
Sa ulat ng GMA News, ang presyo ng mga produkto sa Marikina Public Market ay tumaas ng P20 hanggang P40 bawat kilo, ito’y dahil sa mas mataas na delivery costs dulot ng pang-pitong sunod-sunod na linggong pagtaas ng halaga ng petrolyo.
Tumaas ng P20 hanggang P40 bawat kilo ang presyo ng isda, habang ang mga gulay ay tumaas ng P10 hanggang P20 bawat kilo, at ang manok ay tumaas ng P20 bawat kilo.
“One million barrels daw ang kakulangan per day dun sa dapat sinu-supply ng OPEC,” sinabi ni Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad batay sa ulat ng “24 Oras Weekend” ng GMA.
“Walang nababago, alanganin pa rin. Wala naman increase na ginagawa ang OPEC,” aniya.
“Can’t suspend excise tax rates”
Ayon kay Abas, hindi automatically ma-sususpend ng gobyerno ang excise tax rates sa mga petroleum products, dahil ang provisions na sakop ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) ay para sa taong 2018, 2019, at 2020 lamang.
Sa ilalim ng TRAIN Law na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas, ang presyo ng diesel bawat litro ay itinaas ng P2.50, at ang gasolina ng P2.65.
Batay sa panukala, maaring suspendihin ang excise taxes kung ang average ng Dubai crude oil price base sa Mean of Platts Singapore (MOPS) para sa tatlong buwan ay umabot o lumampas sa $80 kada barrel.
“So kung magsu-suspend ‘yan, kailangan ng another law amending the Train Law,” paliwanag ni Abad.
2022 inflation forecast, tumaas
Sa isang ulat noong nakaraang linggo, sinabi ng World Bank’s Philippine office na kahit naayos ang local inflation sa loob ng target range ng gobyerno na 2% hanggang 4%, “rising US inflation and forthcoming monetary policy tightening are developments for policymakers to watch out for.”
Ayon sa February monetary policy report ng BSP, “Unexpected increases in US interest rates could lead to tighter global financial conditions and weigh on the recovery process of emerging market economies, including the Philippines.”
Samantala, itinaas ng mga economist ang kanilang 2022 inflation forecast sa 3.5%, a slight adjustment mula sa sinabi nila nakaraan na 3.4%, ngunit binawasan nila ang estimate para sa 2023 and 2024.
(GMA News, Inquirer.net)