Connect with us

Business

Inaasahang tataas ang presyo ng petrolyo ngayong linggo ng 2022

Published

on

Presyo ng langis

Bagong taon panibagong pagtaas ng presyo ng petrolyo ang aasahan ng mga motorista sa unang linggo ng taong 2022, ayon sa projections ng Unioil Petroleum Philippines.

Sa kanilang fuel price forecast para sa Enero 4 hanggang 10, 2022, sinabi ng Unioil na maaring tumaas ng P2.30 hanggang P2.40 ang halaga ng diesel bawat litro.

Habang, tataas naman ng P1.80 hanggang P1.90 ang presyo ng gasolina bawat litro.

Kadalasan pinapahayag ng mga oil companies ang mga price adjustments tuwing Lunes at ipapatupad ito sa susunod na araw.

Noong Disyembre 28, 2021, ipinatupad ng mga fuel firms ang rollback sa presyo ng mga petrolyo. Umabot ng P0.20 hanggang P0.30 ang binaba ng presyo ng gasolina bawat litro, habang bumaba ng P0.65 ang halaga ng diesel bawat litro.

Samantala, ang year-to-date adjustments naman sa taong 2021 ay may kabuuang net increase na P17.65 bawat litro sa gasolina at P14.30 bawat litro naman para sa diesel.