Business
Inaasahang tataas muli ang presyo ng petrolyo ngayong linggo
Kailangan ulit maghanda ng mga motorista sa pagtaas ng presyo ng petrolyo ngayong linggo, ayon sa Unioil.
Sa kanilang fuel price forecast para sa Disyembre 21 hanggang 27, ang presyo ng diesel ay tataas ng P0.50 hanggang P0.60 bawat litro.
Samantala, ang halaga naman ng gasolina ay maaring tumaas ng P0.50 hanggang P0.60 rin bawat litro.
Kadalasan, ipinapahayag ng mga fuel firms ang price adjustments tuwing Lunes at ipapatupad ito sa susunod na araw.
Noong Disyembre 14, 2021, ipinatupad ng mga oil companies ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, kung saan tumaas ng P1.60 bawat litro ang halaga ng gasolina, at P1.35 bawat litro naman para sa diesel.
Samantala, ang year-to-date adjustments naman ay may kabuuang net increase na P17.30 bawat litro sa gasolina at P14.40 bawat litro naman para sa diesel.
(GMA Network)