Connect with us

Business

Inaasahang tataas muli ang presyo ng petrolyo ngayong linggo Jan. 18

Published

on

Presyo ng langis

Inaasahang tataas muli ang presyo ng petrolyo ngayong linggo, ayon sa forecast ng Unioil Petroleum Philippines.

Sa kanilang projections para sa Enero 18 hanggang 24, sinabi ng Unioil na maaring tumaas ng P1.70 hanggang P1.80 bawat litro ang halaga ng diesel.

Samantala, maaring tataas ng P0.90 hanggang P1.00 bawat litro ang presyo ng gasolina, habang ang kerosene naman ay maaring tataas ng P2.10 hanggang P2.20 bawat litro.

Ito na ang pangatlong beses na tumaas ang presyo ng petrolyo ngayong buwan ng Enero.

Kadalasan pinapahayag ng mga oil companies ang mga price adjustments tuwing Lunes at ipapatupad ito sa susunod na araw.

Noong Enero 11, ipinatupad ng mga fuel firms ang oil price hikes, kung saan tumaas ng P0.75 bawat litro ang presyo ng gasolina, habang tumaas naman ng P1.00 hanggang P1.10 bawat litro ang diesel.

Samantala, ang year-to-date adjustments ay may kabuuang net increase ng P2.60 bawat litro para sa gasolina at P3.30 bawat litro naman para sa diesel.