Business
Inflation forecast ng mga ekonomista sa bansa tumaas, para sa susunod na tatlong taon
Itinaas ng mga ekonomista ang kanilang inflation forecast base sa survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa susunod na tatlong taon. Ito’y dahil sa epekto sa global oil at food prices dulot ng patuloy na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Sinabi ni Zeno Ronald Abenoja, managing director ng Department of Economic Research sa BSP, na pinapakita ng resulta ng pinakabagong survey na inaasahan ng mga ekonomista na mas mataas ang inflation para sa 2022 kung saan aabot ito sa 4.6%.
“Analysts expect inflation to breach the upper end of the government’s target range in 2022, with risks to the inflation outlook tilted to the upside largely driven by the adverse impact of the ongoing Russia-Ukraine conflict on global oil and food prices, which are already at elevated levels,” sinabi ni Abenoja batay sa ulat ng PhilStar.
Ito’y mas mataas sa target range ng central bank na 2-4%.
Batay sa probability distribution ng mga forecast na ibinigay ng 11 sa 16 na respondent, mayroong 12.8% na posibilidad na ang average inflation para sa 2022 ay “within the two to four percent range,” habang 86.7% ang nagsasabi na lalamapas ng 4% ang inflation.
Mas mataas din ang inflation forecast ng mga ekonomista sa susunod na dalawang taon, bagama’t nasa loob ng target ng BSP.
Sa isinagawang survey ng central bank noong Mayo 12 hanggang 17, inaasahan ng mga respondents na ang inflation para sa 2023 ay 3.6% sa halip na 3.4%, at 3.4% sa halip na 3.3% para sa 2024.
“Meanwhile, inflation is expected to settle close to the upper end of the target in 2023 before decelerating in 2024,” pahayag ni Abenoja.
Ayon kay Abenoja, kabilang sa mga upside risk na natukoy ng mga ekonomista ay ang supply chain disruptions dulot ng geopolitical tensions sa pagitan ng Russia at Ukraine, at pinalala pa ito ng muling pagpapatupad ng lockdown sa China pati na rin ang mga weather disturbances.
Dagdag pa niya ang elevated pressures sa global prices ng oil at food commodities dahil pa rin sa patuloy na conflict ng Russia at Ukraine, kung saan maaari itong magresulta ng mas mataas na energy prices, gastos sa transportasyon at wage hikes.
Ang iba pang risks, ay ang pag-taas ng domestic demand dulot ng pagbubukas ng ekonomiya at ang paghina ng peso laban sa dolyar dahil sa banta ng pagbaba ng ekonomiya ng Pilipinas at sa possibleng withdrawal ng mga investments.
(PhilStar)