Business
INFLATION RATE SA BANSA, NAITALA SA 2.7 PERCENT SA BUWAN NG HULYO 2020
Bahagyang bumilis ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa.
Naitala sa 2.6 percent ang inflation rate nitong Hulyo.
Batay sa Philippines Statistics Authority o PSA, mas mataas ito kumpara sa 2.5 percent noong buwan ng Hunyo.
Ayon sa PSA, ang pagtaas ng presyo ng transportasyon ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation.
Samantala, tumaas din ang presyo ng LPG, upa sa bahay, singil sa tubig at kuryente, presyo ng pagkain at personal products.
Habang bumaba naman ang inflation para sa meat, oil at fats.
Continue Reading