Business
INFLATION RATE SA BUWAN NG DISYEMBRE, MAS TUMAAS PA AYON SA PSA


Mas tumaas pa ang inflation rate sa buwan ng Disyembre ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA.
Pumalo sa 2.5 percent ang galaw ng presyo ng bilihin at serbisyo noong December 2019.
Mas mataas ito kumpara sa 1.7 percent noong Nobyembre 2019.
Ang pangunahing dahilan umano dito, ay ang pagsipa ng presyo ng 11 pangunahing commodity groups.
27.9 percent ng kabuuang contributor sa pagtaas ng inflation rate ay ang food at non-alcoholic beverages.
Samantala, naging contributor din ay ang gastusin sa transportasyon.
Sa National Capital Region (NCR) naramdaman ang mahal na presyo ng
gulay, isda partikular ang isdang galunggong, sibuyas at kalamansi.
Source: radyopilipinas
Continue Reading