Connect with us

Business

Internet sa Pilipinas, “fastest mobile and broadband speed growth year-on-year,”; ngunit nanatiling mahal ang presyo

Published

on

Internet sa Pilipinas

Nanatili pa ring medyo mataas ang presyo ng internet sa Pilpinas para sa mga Pilipino, pero, labis na nag-improve ang quality ng bandwidth ngayong taon, ayon sa isang ulat na nilabas nitong Martes.

Batay sa Surfshark, isang cybersecurity company, kailangan magtrabaho ng limang oras ang mga Pilipino upang maka-afford lamang ng pinaka-murang broadband internet package.

Gayunpaman, ito’y dalawang oras at 18 minuto na mas mababa kaysa sa nakaraang taon, sinabi ng Surfshark sa annual index na nag-eexamine sa 110 mga bansa kung gaano sila ka-digitally advanced.

Dagdag pa nila na nag-improved ng 156% ang affordability ng internet sa Pilipinas kumpara noong isang taon.

PH improves significantly

PH improves significantly

Sa kabuuan, umakyat sa 48th na rank ang Pilipinas ngayong taon, mula sa 66th ng nakaraang taon sa “Digital Quality of Life” index.

Sinabi pa ng Surfshark sa kanilang ulat, na ang performance ng bansa ay nagpapakita ng “one of the most significant improvements.” Sa rehiyon, 12th ang rank ng Pilipinas sa 32 mga bansa ng Asya.

“Digital opportunities have proved to be more important than ever during the COVID-19 crisis, stressing the importance for every country to ensure fully remote operational capacities for their economies,” sinabi ni Vytautas Kaziukonis, chief executive ng Surfshark, batay sa ulat ng PhilStar.

Nagpakita rin ng “strong results” ang bansa sa internet quality at e-security, kung saan nasa 20th at 30th ang rank ng Pilipinas.

Batay sa pag-aaral, napag-alaman din na ang internet quality ng Pilipinas ay “one of the best worldwide,” matapos ito’y maka-record ng “fastest mobile and broadband speed growth year-on-year.”

Some improvements are still needed

PH internet infrastructure needs improvement

Sa kabila ng mga improvements sa presyo ng internet, nanatili pa rin sa mababang rank ang Pilipinas sa internet affordability sub-index, kung saan 72nd lamang ang rank ng bansa, globally.

“Lags behind” rin ang Pilipinas sa mga e-infrastructure, pang 63rd place lamang ang bansa, kasunod ng Thailang at Malaysia.

Ang digital services ng gobyerno ay kailangan ring ma-improve, ayon sa Surfshark, sapagkat, base sa e-government indicator, pang 67th ang Pilipinas sa mundo.

“The index sets the basis for meaningful discussions about how digital advancement impacts a country’s prosperity and where improvements can be made,” sabi ni Kaziukonis.

(Source: Philstar)