Connect with us

Business

Internet speed ng Pilipinas, bumilis!

Published

on

internet speed

Umakyat sa global ranking ng mobile at fixed broadband internet speeds ang Pilipinas batay sa pinakabagong figures na nilabas ng global speed monitoring firm Speedtest ng Ookla.

Sa isang ulat ng Hunyo 2021 Ookla Speedtest Global Index, ang bansa ay umakyat ng dalawang pwesto, naging 75th sa mobile internet speed mula sa 77th noong Mayo sa 137 na mga bansa na kasama sa listahan.

Pinapakita ng Ookla figures na ang average mobile internet download speed ng Pilipinas ay umabot ng 32.84 megabits per second (Mbps), kung saan nadagdagan ito ng 0.86 mula sa 31.98 Mbps noong Mayo.

Bumilis din ang mobile upload speed sa 8.92 Mbps mula sa 8.74 Mbps noong Hunyo.

Pagdating naman sa fixed broadband, umakyat ang Pilipinas ng tatlong puwesto na naging 62 rank mula sa 65th sa 181 na mga bansa.

Ang average fixed broadband download speed ng bansa ay bumilis din sa 66.55 Mbps, nadagdagan ng 6.82 mula sa naitalang 59.73 Mbps speed noong Mayo.

Ganundin ang fixed broadband upload speed kung saan bumilis ito hanggang 66.86 Mbps mula sa 57.40 Mbps noong Hunyo.

Ang Ookla Speedtest Global Index ay isinasaalang-alang ang mga bansa na mayroong 300 unique user results sa mobile o fixed broadband para mabigyan ng rank sa alinmang kategorya.

“The continuous upward trend in PH Internet speeds is a welcome development in our efforts to prepare for full participation in the global digital economy,” sinabi ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Gregorio Honasan II.

Reasons for the Upward Trend

Ayon sa DICT chief nagsimula magkaroon ng upward trend pagkatapos maglabas ng directive si Pangulong Rodrigo Duterte noong Hulyo 2020, kung saan hinamon niya ang mga telcos “to shape up” at nanawagan rin siya sa mga government agencies na tulungan ang mga telcos sa pamamagitan ng streamlining ng tower permitting process.

“For the rest of 2021 and in the succeeding years, your DICT shall continue to support the industries for telecommunications and information services to ensure that our Internet speed rankings will continue its upward climb,” ayon kay Honasan.

Source: GMANews