Business
Internet Speed ng Pilipinas Bumilis muli nitong Hunyo ayon sa Speedtest ng Ookla
Internet speed ng fixed broadband at mobile internet users sa bansa bumilis, ayon sa ulat mula sa global speed monitoring site Speedtest ng Ookla.
Ayon sa Speedtest Global Index’ data ng Hunyo 2021, ang average download speed ng bansa para sa fixed broadband internet ay nasa 66.55 megabits per second (Mbps), mas mataas kumpara noong Mayo 2021 na mayroong 59.73 Mbps na naitala.
Samantala, ang average download speed para sa mga mobile internet users ay 32.84 Mbps, mas mataas ng kaunti sa average na 31.98 Mbps noong nakaraang buwan.
Ang ranking ng Pilipinas naman, kumpara sa ibang bansa ay hindi pa nailalabas, subalit, pinapakita naman sa mga graphs na galing sa Speedtest ang patuloy na improvement nito kung i-kumpara ito sa nakaraang taon.
Noong Hunyo 2020, ang average download speeds para sa mga fixed broadband ay nasa ilalim ng 30 Mbps-mark. Samantala naglalaro naman ito sa 40 Mbps noong Pebrero 2021.
Pareho rin ito sa mobile internet: Hunyo 2020, ang average download speeds ay nasa 20 Mbps lamang, at naabot lamang nito ang 25 Mbps-mark pagkatapos ng Disyembre 2020.
Sa mga panahong iyon, kinumpirma ng Speedtest na ang internet speed sa buong mundo ay bumaba ng husto, ito ay dahil sa mga lockdowns na pinatupad na naging sanhi ng mga tao na umasa lalo sa paggamit ng internet para sa kanilang mga trabaho.
Mabigat ang internet usage sa buong mundo, kasama na rito ang Pilipinas. Sapagkat ang mga meetings, transanctions, pati narin ang mga klase ay ginagawa ng online para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
Sabi ng Speedtest na bumalik lamang sa pre-pandemic levels ang internet speed ng bansa noong Agosto. Gayun pa man, ayon sa National Telecommunications Commissions (NTC) dahil din ito sa istriktong paalala ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Telco companies sa gitna ng sa kanilang “poor service.”
Ang pangalawa-sa-huli niyang State of the Nation Adress noong Hulyo 2020, binalaan ng Pangulo ang mga Telco players ng ‘expropriation’, o ang pagkontrol ng gobyerno ng kanilang mga operasyon, pag hindi umunlad ang internet connectivity at signal reception bago matapos ang taon.
“A year after President Duterte mandated PLDT and Globe Telecom to improve their services, the country’s internet speed continues to show marked improvements in recent months,” sabi ng NTC.
“The speed represents an improvement of 341.40% since the Duterte administration began in July 2016. The President’s announcement to streamline and speed up the issuance of LGU permits in July 2020 generated a significant increase in permits granted to telcos from July 2020 to May this year vis-à-vis 2019,” dagdag pa nito.
Source: Inquirer.Net