Business
JOLLIBEE, MAGSASARADO NG 255 STORES BUNSOD NG BILYONG LUGI
Ramdam na rin ng fast food giant na Jollibee ang epekto ng COVID-19 pandemic.
Sa report, umabot na sa $24.4 million o halos P12 billion ang lugi ng kompanya sa first half ng 2020.
Ayon kay Jollibee chief financial officer Ysmael Baysa, magsasarado ang 255 company-owned stores nila habang 95 ang may switch ng ownership sa franchise mula sa kompanya.
“The spending for business transformation includes closure of 255 company-owned stores, change in ownership of 95 stores from company to franchisees, payment of pre-termination penalties of stores in the US and China, closure of supply chain facilities, and reduction in the size of the organization in various countries where we do business,” ani Baysa.
Mayroong 3,286 stores sa Pilipinas ang Jollibee at nag-ooperate naman ang 2,588 stores sa buong mundo.
Kalahati ng mga Jollibee outlets sa buong mundo ang nagsara sa second quarter ng taon. Nagbukas na ang 88% ng mga outlets sa katapusan ng second quarter pero bumaba ang kanilang kita ng 46.6 % na katumbas ng US$4.8 billion (P23.3 billion).
Gayunpaman, inaasahan ng Jollibee na makakabawi sila sa taong 2021.