Connect with us

Business

Magsisimula na muli ang closed season sa Visayan Sea at magtatagal ito ng tatlong buwan

Published

on

Fishing ban in Visayan Sea

Ang pangingisda ng mga sardines, herrings at mackerels sa Visayan Sea, ay ipinagbabawal muna sa loob ng tatlong buwan simula Nobyembre 15 hanggang Pebrero 15, upang makapag-replenish ang mga isda.

Mga tuloy, tamban, tabagak, balantiyong, guma-a, bulao, at hasa-hasa, ito ang mga klaseng isda na ipinagbabawal munang hulihin.

Ayon sa ulat ng Daily Guardian, hinihikayat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang mga commercial at municipal na mga mangingsda na magpahinga muna sa paghuhuli, pagbebenta at pag-mamarketing ng mga nabanggit na isda sa loob ng na-established na boundaries.

Ang delineation ng Visayan Sea na sakop ng closed season ay magsisimula mula Danao River sa Escalante City hanggang sa tip ng Sta. Fe, Cebu.

Magpapatuloy ito sa northernmost tip ng Madridejos hanggang sa Gigantes Island kung saan ang lighthouse ang magsisilbing marker at mag-coconect ito horizontally sa Olotayan Island hanggang Roxas City.

Sa pagitan naman ng Iloilo at Negros Occidental, magsisimula ang boundary mula Talisay River sa Barotac Nuevo hanggang Tomonton Point sa EB Magalona at sa huli, balik sa Danao River.

Ang closed season ang mag-bibigay daan upang makapag-replenish ng resources ang dagat at nag-cocoincide rin ito sa panahon ng pag-rereproduce ng mga isda.

Batay sa BFAR, ang hakbang na ito ay upang magtitiyak ang proteksyon ng mga major fish commodities ng Visayan Sea.

Mag-reresulta man ito sa mababang income para sa ibang mga mangingisda, ito naman ay magiging benificial for the long run para sa mga fisherfolk at pati na rin sa taong bayan.

Sa mensahe ni BFAR-6 Regional Director Remia Aparri, sinabi niya na kailangan ng Visayan Sea na makapag-pahinga upang ma-sustain nito ang resources at mga fish stock.

“Masangkad kag tuman ka mapuslanon ang Visayan Sea. Madamo nga dunang-manggad ang nahatag kag padayon nga ginahatag sini sa aton. Apang, dapat man naton tatapon kag amligan ang Visayan Sea labi na gid kun kinahanglan sini sang pahuway,” aniya.

Ang closed season ay isinatupad sa pamamagitan ng Administrative Order (FAO) 167 series of 1989 as amended by FAO 167-3 series of 2013.

Ang Visayan Sea ay isa sa mga top fishing ground sa Pilipinas.

(Daily Guardian)

Continue Reading