Business
Mahigit ₱1.3 billion na kita ang nawala sa gobyerno dahil sa pag-papababa ng taripa ng mga karne ng baboy
Mahigit ₱1.3 billion na kita ang nawala sa gobyerno dahil sa pag-papababa ng taripa ng mga karne ng baboy at hindi baba sa 76 million kilo ng mga baboy ang na-angkat ng Pilipinas simula noong April 9 hanggang June 11 upang mapababa ang presyo ng mga paninda nito.
Batay sa Bureau of Customs kahapon, 76.09 million kilo ng mga karne ng baboy ang dinala sa Pilipinas mula sa ibang bansa matapos mag-isyu ng isang executive order (EO) si Pangulong Duterte na bawasan ang taripa ng in-quota at out-quota ng mga imported na karne.
Ang mga importers ay nagdala ng 24.45 milyong kilo noong Abril, 36.5 milyong kilo naman noong Mayo, at 15.14 milyong kilo mula Hunyo 1 hanggang Hunyo 11.
In-quota shipments made up 10.46 million kilos in April, 10.47 million kilos in May, and 2.78 million kilos between June 1 and 11.
Out-quota imports accounted for 14 million kilos in April, 26.03 million kilos in May, and 12.36 million kilos in the June 1 to 11 period.
Mula sa mga shipments, ang BOC ay nakakolekta ng ₱849.96 milyon na taripa. Gayunpaman, ₱1.35 bilyon ang nawala sa gobyerno sa proseso dahil sa “cut in duties slapped on pork imports.”
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, inaasahan na malulugi ang gobyerno ng P11.2 billion ngayong taon dahil sa desisyon ng Pangulo na bawasan ang taripa ng shipments ng mga karne.
Gayunpaman, sinabi rin niya na ang desiyon ng Pangulo, “would allow retail prices to stabilize following the supply shortage brought about by the African swine fever (ASF) in the long run.”
Base sa National Economic and Development Authority computations, ang mga mamimili (consumers) ay makaka-ipon hanggang ₱50.1 billion mula sa karagdagang pagpasok ng mga imported na karne ng baboy.
Ang inflation noong Pebrero ay tumaas hanggang 4.7 percent, ito ang pinaka-mataas na inflation sa Pilipinas mula noong Disyembre sa mga “price pressures caused by the shortage in meat supply, especially pork, due to the ASF outbreak.”
Source: PhilStar