Connect with us

Business

Matagal na proseso ng pag-isyu ng permit ng gobyerno, nagpapabagal sa pagpapatayo ng cell sites – Globe

Published

on

Image: Reuters

Agad na tumugon ang globe sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) na pagbutihin ng mga network ang kanilang serbisyo.

 

“Kindly improve your services before December. “Tell us now if you cannot really improve on it, because I will work…The next two years will be spent improving the telecommunications of this country without you,” pagbabanta ng pangulo.

 

Pahayag ng Globe, umabot na sa 1.2 billion US dollars ngayong taon ang kanilang capital expenditures para sa pagpapabuti ng kanilang serbisyo.

 

Naglunsad na rin ang Globe ng 5G para sa Globe At Home noong nakaraang taon at nakatakda na ring ilunsad ang mobile 5G services sa bansa pero sa kabila nito ay aminado ang Globe na nanatili pa rin ang mga hamon sa kanila.

 

Binanggit ng Globe na mabagal ang proseso ng pagkuha ng permit sa mga LGU, Homeowners Association at maging sa national agencies kaya natatagalan ang pagtatayo nila ng cell sites at paglalatag ng linya para sa Globe Fiber.

 

“Although we have seen marked improvements, the industry is not without its challenges. The long-drawn permitting process across LGUs, HOAs, and national agencies, including the DOH (Department of Health) and CAAP (Civil Aviation Authority of the Philippines), have hampered cell-site builds and laying down of fiber to homes,” ayon pa sa Globe.