Connect with us

Business

Mga de-lata, noodles at mantika na binebenta sa mga supermarket, mag-tataas presyo na rin

Published

on

groceries

Kailangang lalong magtipid ang mga mamimili sapagkat nagpatupad ang mga supermarkets ng taas-presyo sa ilang mga pangunahing produkto tulad ng mga de lata, noodles at mantika.

Ang canned tuna ay tataas ng hanngang P5.00, habang ang sardinas ay may taas-presyo na P0.50.

Hanggang P0.50 din ang itataas sa ilang brand ng noodles at P2.00 hanggang P5.00 naman sa mantika.

Nasa 30 manufacturers umano ang nagpahayag na sila’y magdadagdag-presyo, isa sa mga dahilan nito ay ang krisis sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Noong Marso 1, nauna nang tumaas ang presyo ng ilang brand ng gatas, shampoo at body soap na umabot nang P2 hanggang P4 ang taas-presyo.

Ayon kay Philippine Amalgamated Supermarkets Association President Steven Cua, na tumaas na rin kasi ang production cost, lalo na ang mga nagre-repack ng imported goods at mga gumagamit ng imported na sangkap.

“Ang laki ng itinaas ng bayad sa shipping lines. Deliveries from abroad. ‘Yan ang problema,” aniya batay sa ulat ng ABS-CBN News.

“Hindi tayo nag-delevop ng sariling industriya ng agricultural products kaya even rice, even sugar, kailangan mag-import kapag may world crisis,” dagdag niya.

Sa isang pulong ng Department of Trade and Industry at mga supermarket owners, hiniling ng ahensiya na lagyan ng special tags sa estante ang mga produktong hindi pa nagtaas-presyo.

“At least customers can make decisions… so it can help consumers make smart decisions para sulit at swak ang kanilang budget,” sabi ni Cua.

At huwag mag-alala sapagkat hindi naman mawawala ang promo items sa mga supermarket.

Pinayuhan ang mga mamimili na mag-plano ng mabuti kung anu-ano ang mga dapat bilhin upang hindi na sila pabalik-balik sa mga pamilihan at makatipid din sa pamasahe.

(ABS-CBN)

Continue Reading