Connect with us

Business

MGA MALL SA METRO MANILA, MAGSUSUSPINDE NG INDOOR DINING AT MAGHIHIGPIT SA PAGPAPAPASOK NG MGA MENOR DE EDAD AT SENIOR CITIZENS

Published

on

ayala
Larawan mula sa coconuts.co

Inanunsyo ng  Ayala Malls, Robinsons Malls at Power Plant Mall na hindi na muna nila papayagan ang indoor dining sa kanilang mga mall.  Maghihigpit rin umano sila sa pagpapapasok sa mga mamimiling mas bata sa 18 taon at mas matanda sa 65.

Ito ay alinsunod sa pinakabagong inilabas na quarantine restrictions sa Metro Manila at karating probinsya.

Ayon sa mga kinatawan ng mga nasabing mall, tanging ang mga al fresco dining lamang ang papayagan, base na rin sa mga pamantayan ng mga lokal na pamahalaan kung saan napapabilang ang mga mall.

Hindi umano papayagang makapasok sa mall ang mga menor de edad at senior citizens maliban na lamang kung nangangailangan ng importanteng mga produkto at serbisyo kagaya na lamang ng atensyong medikal at dental.

Continue Reading