Connect with us

Business

MGA NEGOSYANTE SA AKLAN, UMAAPELA NG MAS MAHABANG BUSINESS OPERATING HOURS

Published

on

Umaapela ang Philippine Chamber of Commerce and Industry – Aklan Chapter (PCCI-Aklan) na palawigin ang operating hours ng mga negosyo sa buong lalawigan ng Aklan.

Kasabay ng apela ng Aklan sa IATF na luwagan ang kasalukuyang quarantine nito sa MECQ mula sa GCQ, nagpalabas ng Resolution No. 27 Series of 2021 ang PCCI-Aklan, kung saan hiling nila na maging alas-11:00 na ng gabi ang curfew, at payagan na ang mga negosyo na magbukas mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng gabi.

Ayon pa sa PCCI-Aklan, mas maiksi na ang curfew hours ng mga karatig lugar ng Aklan gaya ng Iloilo City na hanggang 12:00 at ng Roxas City na hanggang 11:00 naman. Naniniwala ang organisasyong malaki ang maitutulong upang makabawi ang ekonomiya ng Aklan kung mapagbibigyan ang kanilang hiling.

Sa patuloy na pagbaba umano ng mga positibong kaso ng COVID-19 sa lalawigan, napapanahon na upang pagbigyan ang hiling ng mga negosyante ukol sa mas pinahabang business hours.

Continue Reading