Connect with us

Business

Modus sa Globe At Home Modems na binibenta bilang DITO Modems

Published

on

Globe with Dito Sim and Sticker
Photo by Globe Newsroom

Ang Globe Telecom na pag mamay-ari ng mga Ayala ay galit sa mga grupo na ginagamit at nagpapakilala sa kanilang Globe Modems bilang gadget ng DITO Telecommunity ng businessman na si Dennis Uy.

Isiniwalat ng Globe telecom ang iligal na gawain matapos silang makatanggap ng mga report na ang kanilang Globe At Home Wifi modems ay naibibenta sa mga walang kamalay malay na customers na may nakalagay na DITO stickers para mag mukha itong modem ng bagong kumpanya ni Uy.

“We prepared to take action against these unscrupulous individuals and establishments carrying out these deceptive business practices through the assistance of law enforcement authorities.

If anyone has bought, experienced, or been made aware of this illegal activity
please report the matter to the Department of Trade and Industry- Consumer Protection Group via the email address at [email protected] or text 09178343330. They may also report via Globe At Home’s official FB messenger” said Globe in a statement.

(Naghahanda na kami ng mga karampatang aksyon laban sa mga walang prinsipyong indibidwal at mga establisyementong nagsasagawa ng mga panloloko sa tulong nang ating batas, at sa mga nagpapatupad nito.)

(Kung meron man sa inyong nakabili, o nka experience, o napag-alaman ang ganitong iligal na gawain, maaari ninyo itong i-report sa Department of Trade and Industry- Consumer Protection Group sa kanilang email address na [email protected] o i-text sa 09178343330. Pwede din i-report sa Globe At Home’s official FB messenger” saad ng Globe sa kanilang pahayag.)

“In addition, we are reminding the public to buy only from legitimate Globe At Home stores, authorized dealers, and online sites to ensure quality and service guarantee. Please visit our official site at https://shop.globe.com.ph/broadband or through our official Lazada and Shopee Globe flagship stores,” it added.

Para sa karagdagang impormasyon, pinapaalalahanan namin ang publiko na bumili lamang sa mga lehitimong tindahan at dealer ng Globe At Home at sa mga online sites para makasiguro ng dekalidad na serbisyo. Bisitahin ang aming official site sa https://shop.globe.com.ph/broadband o sa mga online stores, gaya ng Lazada at Shopee.

Ang mga nag bebenta nito ay iligal na ina-unlock ang Globe device, at pinapalitan ang Globe SIM nang DITO SIM at tinatakpan ang Globe At Home trademark ng sticker mula sa DITO.

Sinabi ng Globe na lahat ng kanilang Globe At Home Prepaid WiFi kits ay mayroong pre-inserted na SIM sa mga modem at ready na for activation sa pamamagitan ng Globe At Home app o FB messenger.

Source: Bilyonaryo.com