Connect with us

Business

Muling tataas ang presyo ng petrolyo bukas, Enero 25

Published

on

Presyo ng langis

Kailangang maghanda muli ang mga motorista sapagkat, inaasahang tataas nanaman ang presyo ng petrolyo ngayong linggo, ayon sa forecast ng Unioil Petroleum Philippines.

Batay sa kanilang fuel price forecast para sa Enero 25 hanggang 31, sinabi ng Unioil na ang presyo ng diesel bawat litro ay maaring tumaas ng P1.80 hanggang P1.90.

Tataas naman ng P1.40 hanggang P1.50 bawat litro ang halaga ng gasolina.

Samantala, ang retail price ng mga kerosene products ay maaring tumaas ng P1.55 hanggang P1.65 bawat litro, dahil kahit patuloy tumataas ang kaso ng Covid-19 dulot ng Omicron variant, hindi ito naging hadlang sa mobility ng global population.

Ito na ang pang-apat na sunod sunod na linggo na nagkaroon ng oil prce hikes ngayong buwan ng Enero, at wala pa ring malinaw na indikasyon na maaring magkakaroon ng reverse scenario sa susunod na mga linggo.

Ayon sa data ng Department of Energy, ang year-to-date adjustments ay may kabuuang net increase ng P2.60 bawat litro para sa gasolina, P3.30 bawat litro para sa diesel, at P2.74 bawat litro para sa kerosene (as of Jan. 11).

Ang pag-taas ng domestic prices ay hindi lang na-iimpluwensiya ng pag-taas ng global oil prices, kundi pati na rin dahil sa depreciating value ng Philippine peso sa US dollar.

(GMA)