Connect with us

Business

Nag-file ng halos ₱6 bilyon IPO ang grocery chain ni Manny Villar na AllDay Marts

Published

on

ALLDay Marts IPO

Ayon sa Securities and Exchange Commission (SEC) nitong Miyerkules, mangangalap ng halagang ₱6 bilyon ang AllDay Marts, isang grocery chain ni Manny Villar para sa kanilang initial public offering (IPO).

Sa kanilang prospectus na isinumite sa SEC, sinabi ng AllDay na mag-ooffer sila ng hanggang 6.8 bilyong common shares na nagkakahalaga ng ₱0.80 kada piece, na may overallotment option na umaabot hanggang 685 million shares.

Gagamitin ng AllDay ang pondo upang mabayaran ang kanilang debt at capital expenditures, at gagamitin rin nila ito bilang working capital para sa kanilang store network expansion.

Sa kasalukuyan, ang AllDay ay mayroong 33 supermarkets sa 25 cities at municipalities sa Pilipinas, na may kabuuang net selling space na nasa 55,881 square meters.

May naitala itong ₱4.5 bilyong sales at ₱179.6 milyong net profit sa unang kalahati ng 2021, ito’y katumabas ng pag-taas ng 19.7% at 58.8% year on year.

Target ng AllDay na magkaroon ng 45 stores pagdating ng 2022 at 100 stores sa katapusan ng 2026.

Kung ma-aaprubahan ang AllDay ng mga regulatory agencies, ang kanilang shares ay malilista sa main board ng Philippine Stock Exchange na may symbol na ALLDY.

Nag-engaged ang kumpanya sa PNB Capital and Investment Corporation bilang sole issue manager ng offer. Samantala, ang BDO Capital and Investment Corporation at China Bank Capital Corporation, kasama ang PNB Capital, ay magsisilbing lead underwriters at joint bookrunners.

Reports from Rappler

Continue Reading