Business
NAKOLEKTANG BUWIS MULA SA TRAIN NGAYONG TAON, SUMOBRA NA SA TARGET REVENUE — DOF
Nalampasan na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang target revenue na kanilang nakolekta sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN mula Enero hanggang Setyembre ngayong taon.
Ayon kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua, lumalabas na pumalo sa 107-percent ang TRAIN revenues sa unang siyam na buwan ng taong ito kumpara sa kaparehong peryodo nung isang taon.
Pumalo ang total revenues na nakuha sa TRAIN nang P91.3 billion pesos sa unang tatlong quarter ng 2019 na hindi hamak na mas mataas sa collections estimate na P77.3 billion pesos.
Welcome development aniya ito ayon kay Chua sa gitna ng puntirya ng pamahalaan na maabot ang mga proyektong inilatag ng pamahalaan na may kinalaman sa mga infrastructure projects at huan objectives na popondohan ng TRAIN.
Galing ang malaking kita na nakolekta ng BOC at ng BIR mula sa imported petroleum excise tax, sweetened beverage excise tax, tobacco excise tax ganundin sa documentary stamp at personal income tax.
Source: radyopilipinas