Connect with us

Business

NOW TELECOM, HANGAD NA PASUKIN ANG 5G AT MAGING 4TH TELCO PLAYER SA BANSA

Published

on

Hangad ng NOW Telecom Co. Inc na pasukin ang fifth generation (5G) wireless network technology space at maging ikaapat na telco player sa bansa.

Sa pamamagitan ng Philippine Fiber Optic Cable Network, Ltd. (PFOCN), nakipag-team up ang NOW Telecom sa HyalRoute subsidary Group na handang gumastos ng $2-billion para sa fiber optic cable network sa Pilipinas.

Ayon kay NOW Telecom president Rodolfo Pantoja, mas mapapabilis ng kanilang pakikipagtulungan sa HyalRoute at PFOCN ang kanilang hangad na mailunsad ang 5G wireless technology na may bilis na pwedeng umabot sa 20 gigabits per second.

Sinabi rin ni HyalRoute chairman Huang Xinglong, na ang nasabing proyekto ay makakatulong sa estado ng imprastraktura ng komunikasyon partikular sa fiber network.

Magugunitang dati nang sinabi ni Information and Communications Technology Secretary Gregorio Honasan III na bukas siya sa pagtanggap sa ikaapat at ikalimang telco player sa bansa.