Business
Operasyon ng mga motorcycle taxis, tuloy pa rin
Tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng Angkas, Joyride at Move It, matapos na magkasundo ang Departmrnt of Transportation (DOTR)-technical working group, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ang grupo ng mga motorcycle taxis sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Transportation.
Ayon kay Transportation Committee Chairman Edgar Mary Sarmiento, ipagpapatuloy ng DOTR-TWG ang kanilang pagdinig sa operasyon at guidelines ng mga motorcycle taxis hanggang March 2020 na orihinal na petsa ng pagtatapos ng pilot test.
Napagkasunduan rin na hindi na ibaba sa 10,000 ang bilang o cap ng Angkas na nasa 30,000 at sa halip ay itataas pa ito sa 45,000.
Dahil naman dito, pumayag na ang Angkas na ibasura ang lahat ng kaso na kanilang inihain laban sa LTFRB.
Sa pagtatapos ng pulong, dalawang Technical Working Group ang binuo ng komite para tutukan ang ilang panukala na may kaugnayan sa operasyon ng motorcycle taxis at Transport Network Vehicle Service (TNVS).
By: Kathleen Jean Forbes
Source: radyopilipinas