Connect with us

Business

P8.4-B EMERGENCY FUND ISINUSULONG PARA SA FARMERS

Published

on

Photo|bisnis.tempo.com

ITINUTULAK ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda ang pagkakaroon ng supplemental budget para sa mga magsasaka na apektado ng Rice Ta­riffication Law (RTL).

Sa House Bill 5669, hiniling ni Salceda ang P8.4-B supplemental budget para sa mga local farmer sa ilalim ng 2019 General Appropriations Act.

Pero ayon kay Salceda, posible naman itong maipasok sa 2020 budget sa pagdinig na gagawin ng Kamara at Senado sa bicam-eral conference committee.

Paliwanag ng ­kongresista, ang P8.4-B na emergency fund para sa mga magsasaka ay ibibigay bilang conditional cash transfer na aabot sa P7,000 sa kada palay farmer.

Layunin ng panukala na maisalba at mapigilan ang mga magsasaka ng palay na tuluyang iwan ang kanilang ikinabubuhay, at tulungang maitaas ang productivity at competitiveness ng mga local farmer.

Sa ilalim ng panukala, para maging benepisyaryo ang isang magsasaka ay kailangang kabilang ito sa isang kooperatiba ng mga local farmer at pipiliin din ang mga lugar kung saan mababa sa P17 ang farmgate price ng palay, gayundin ang mga lugar na may sakahan na dalawang ektarya at kabilang sa mga major rice producing province sa bansa.

Makatutulong naman ang pagtukoy sa rice farmers beneficiaries para i-update ang Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) upang mas maging epektibo ang targeting system sa mga pro-grama ng Department of Agriculture (DA). – CONDE BATAC / pilipinomirror.com