Connect with us

Business

Pag-import ng mga isda at iba pang aquatic products, inaprubahan ng DA

Published

on

Fish importation

Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang importation ng 38,695 metric tons (MT) ng frozen fish at aquatic products sa 2nd quarter ng 2022, upang maayos ang presyo ng supply sa market.

Naglabas ng guidelines ang DA sa pag-isyu ng sanitary and phytosanitary import clearances (SPSICS) para sa certificates of necessity to import (CNI) ng 38,695 MT ng frozen fish at aqauatic products para sa mga wet markets.

Sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na ang 38,695 MT ay binubuo ng natitirang volume mula sa dating naaprubahang 60,000 MT sa unang quarter.

“Based on BFAR (Bureau of Fisheries and Aquatic Resources)’s fish supply analysis for the rest of the year, we will face an estimated 90,000 MT fish supply deficiency, which we decided to plug by merely extending the previously approved CNI,” sinabi ni Dar sa The Star sa isang text message.

Sinabi niya rin na ang ikalawang quarter ay kasabay din ng closed fishing season sa rehiyon ng Davao, na tumatagal mula Hunyo hanggang Agosto bawat taon.

“We continue to monitor fish prices, which are now slightly increasing, and the decision to extend the CNI is part of the price stabilization efforts of the government,” aniya.

Batay sa market monitor mula sa DA, ang presyo ng bangus ay umabot ng P180 kada kilo noong isang araw, mas mataas sa P160 kada kilo noong nakaraang buwan.

Tumaas din ang presyo ng Indian mackerel kung saan nasa P300 kada kilo na mula sa P260 noong isang buwan.

Samantala, nanatili ang halaga ng tilapia at ang galunggong sa P120 kada kilo at P240 kada kilo.

Noong Biyernes, ang presyo ng imported na galunggong ay umabot sa P240 kada klo, mas mataas kumpara noong nakaraang buwan na P195 kada kilo.

Ayon sa guidelines na nilabas ng DA, ang CNI volume para sa ikalawang quarter ay dapat ma-disposed agad sa loob ng 20 na araw simula ng pagdating nito.

“Performance in the disposal as well as disposition reports may be taken as one of the considerations in determining the qualified importers for the next CNI that may be issued,” pahayag ng DA.

Batay rin sa DA, ang mga importers na may “good standing” lamang ang maaaring maki-lahok sa importation, partikular ang mga walang violations sa food safety o importation rules at regulation.

(PhilStar)