Business
Pagbaba sa Alert Level 1, trabaho at kabuhayan muling aangat- DTI chief
Manila— Ang pagbaba ng Metro Manila at ng 38 pang mga lugar sa Pilipinas sa alert level 1, ay makakahikayat nang mas maraming trabaho na aabot mula 400,000 hanggang kalahating milyon at makakapag pasigla sa ating ekonomiya, ito ay ayon kay DTI Sec. Ramon Lopez.
Ang mga numerong ito ay maaari pang tumaas sa 800,000 kapag mas lumawak pa ang mga lugar na sasailalim sa alert level 1, sabi ni Lopez mula sa kanyang weekly taped “Talk to People” kasama si Pangulong Duterte.
Ayon pa sa DTI chief, naglalayon silang mapababa pa ang unemployment rate sa bansa na mas mababa pa bago dumating ang pandemiya. At sa muling pag bubukas ng ating ekonomiya sa ilalim ng alert level 1,may pagkakataon na ang ating bansa na makabangon sa pre-pandemic level noong 2019 at posibleng umangat pa.
“Our ambition now is to reduce it [unemployment] to 5 percent, which was where we were pre-pandemic. From where we stand right now on the unemployment rate, around 800,000 who lost their jobs can now return to work through increased economic activities and increase investment,” ayon kay Sec. Lopez.
Noong Linggo, inilagay ng IATF ang Metro Manila at 38 pang mga lugar sa ilalim alert level 1. Sa ilalim nito ang intrazonal at interzonal travel ay pinapayagan na sa anumang edad, pati ang may mga comorbidities.
Lahat ng gawain sa labas ng tahanan ay pinapayagan na at ang mga establisyimento ay maari nang magbukas at mag operate ng full on-site capacity, ngunit kailangan pa rin ipatupad ang mga health protocols tulad ng pag susuot ng facemask.
(Inquirer.Net)