Connect with us

Business

Paghina ng Peso pangunahing dahilan sa muling pag-taas ng presyo ng produktong petrolyo

Published

on

Oil price

Kailangang maghanda ang mga motorista sa muling pag-taas ng presyo sa mga produktong petrolyo ngyaong linggo, simula bukas, Hunyo 21, 2022.

Batay sa forecast ng Unioil Philippines, maaaring tumaas ang presyo ng diesel ng P2.50 hanggang P2.60 kada litro, habang tataas naman ng P0.50 hanggang P0.60 kada litro ang gasolina.

Ito na ang ikaapat na magkakasunod na linggo na magtataas ng presyo ng diesel at ang ikatlong sunod na linggo para sa gasolina.

Ayon kay Department of Energy-Oil Industry Management Bureau (DOE-OIMB) director Rino Abad, muling tataas ang halaga ng mga produktong petrolyo sapagkat ang “global situation continued to be tight in terms of supply,” batay sa ulat ng PhilStar.

Ngunit, higit pa sa mga overseas developments, ang paghina ng peso laban sa dolyar ang pangunahing contributing factor sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo, sinabi ni DOE undersecretary Gerardo Erguiza sa The Big Story over One News noong Biyernes.

“We buy oil using dollars. The conversion rate now is high. Fuel prices increase because of the foreign exchange,” aniya.

Noong Martes, pinatupad ng mga fuel firms ang pagtaas sa halaga ng gasolina kung saan tumaas ito ng P2.15 kada litro, habang tumaas naman ang diesel ng P4.30 kada litro.

Dahil dito, ang kabuuang year-to-date adjustments ay may net increase ng P28.70 kada litro para sa gasolina at P41.15 naman para sa diesel.

(PhilStar)