Connect with us

Business

Pagpataw ng buwis sa mga salty foods, ‘di pa raw napapanahon’ ayon sa TUCP

Published

on

Photo from the web

Nagpakita na rin ng hindi pagsang-ayon ang labor group na Trade Union Congress of the Philippines sa planong pagpataw ng buwis sa mga salty foods at food ingredients.

Sa halip nagmungkahi ang grupo na bumuo na lang ang pamahalaan ng malusog, abot-kaya at katanggap-tanggap na mga alternatibo kaysa buwisan ang maalat na pagkain.

Ayon kay ALU-TUCP National Executive Vice President Gerard Seno, kapag itinuloy daw ang pagsusulong sa panukala, mistulang itinutulak na ng gobyerno ang mga mahihirap na tuluyang masadlak sa kahirapan sa halip na iangat ang kabuhayan.

Kung sakali namang itaas ang sahod ng mga manggagawa at magkaroon ng mga murang pagkain na abot kaya sa merkado, ito na umano marahil ang panahon na pag-usapan ang pagpataw ng buwis sa maaalat na pagkain.

Aniya, dahil hindi sapat ang pasahod sa mga manggagwa pinagkakasya na lamang ng pamilya ang budget sa pagbili ng mga salty foods tulad ng instant noodles, food flavoring, snacks, at tuyo.

Walang aniyang pagpipilian ang mga manggagawa kundi ang bilhin ang mga ito dahil mas mura kumpara sa iba na mataas ang presyo.

By: Rey Ferrer

Source: Radyopilipinas