Connect with us

Business

Pagtaas ng presyo ng petrolyo asahan bukas

Published

on

Presyo ng langis

Ayon sa Unioil Petroleum Philippines, asahan na ng mga consumers ang pagtaas ng presyo ng petrolyo simula bukas, Oktubre 5 hanggang 11.

Ito ang pang-anim na sunod-sunod na linggo na patuloy tumataas ang presyo ng petrolyo, kung saan repleksyon ito ng galaw ng presyo sa world market.

“Diesel will increase by P2 to P2.10 per liter. Gasoline will increase by P1.40 to P1.50 per liter,” ayon sa kumpanya nitong weekend.

Kasunod nito, sinabi ng Petron Corp., na magpapatupad ang kumpanya ng “staggered increase” sa liquefied petroleum gas (LPG) upang maibsan ang P7.40 per kilo na pagtaas sa cooking gas ng mga konsumers.

Ipapatupad ng Petron ang kanilang karagdagang singil sa LPG, at hahatiin ito sa dalawang installments. Nauna na ang Php 4 kada kilo na pagtaas noong ika-1 ng Oktubre at susundan naman ito ng Php 3.40 kada kilo sa ika- 8 ng Oktubre.

Kung susumahin, ito ay nangangahulugang aabot sa P81 kada kilo para sa isang 11-kilo na tangke, ito na ang isa sa pinakamataas na pag-angat ng presyo ng LPG sa mga nagdaang taon.

Batay sa latest monitoring ng Department of Energy (DOE), tumataas ang halaga ng krudo dahil sa “prolonged tightness” sa mga supply, sapagkat nanatiling kontrolado ang produksiyon ng langis sa US Gulf Coast.

(Source: ManilaStandard.Net)