Business
Pagtatakda ng price cap sa karneng baboy, pinaboran ng Palasyo
Pabor ang Malacañang sa pagtatakda ng price ceiling sa halaga ng mga pork products na una ng inirekomenda ng Department of Agriculture (DA).
Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, maaaring gawin ang implementasyon ng price cap lalo’t nasa ilalim pa rin naman ang bansa sa state of public health emergency.
Dagdag pa ni Nograles na sadyang may kakulangan ng suplay ng baboy at hindi maka-abot sa mataas na demand bunsod ng African Swine Fever (ASF), kaya’t magandang solusyon ang price freeze na maaaring maikasa sa pamamagitan ng pag- iisyu ng Executive Order.
Kasalukuyang, may mga hakbang na ang Agriculture Department para mapanatiling stable sana ang baboy sa merkado at ito ay ang pag- iimport sa mga lugar sa bansa na wala namang ASF papunta dito sa NCR.
Maaari rin naman aniyang magmanok muna gayung magandang source din naman ito ng protina lalo’t maganda naman at walang problema sa suplay ng manok.
Source: Radyo Pilipinas/Alvin Baltazar