Connect with us

Business

Pang anim na sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo inaasahan bukas, Pebrero 8, 2022

Published

on

Presyo ng langis

Kailangang maghanda muli ang mga motorista sa inaasahang pag-taas ng presyo ng petrolyo ngayong linggo.

Batay sa fuel forecast ng Unioil Petroleum Philippines para sa Pebrero 8 hanggang 14, 2022, ang presyo ng disel ay tataas ng P1.10 hanggang P1.20 bawat litro.

Samantala, maaring tataas naman ng P1.00 hanggang P1.10 ang halaga ng gasolina bawat litro.

Ito na ang pang-anim na sunod-sunod na linggo na tumaas ang presyo ng petrolyo.

Kadalasan pinapahayag ng mga oil companies ang mga price adjustments tuwing Lunes at ipapatupad ito sa susunod na araw.

Noong Enero 25, pinatupad ng mga oil firms ang pag-taas ng mga petroleum products, kung saan tumaas ng P1.45 bawat litro ang halaga ng gasolina at ang presyo ng diesel bawat litro ay tumaas ng P1.90.

Ayon sa latest data ng Department of Energy, ang year-to-date adjustments ay may kabuuang net increase ng P4.95 bawat litro para sa gasolina, at P7.20 bawat litro para sa diesel.