Business
Pang pitong (7) pagtaas ng preyo ng petrolyo, aasahan simula bukas Pebrero 15
Matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo, inaasahang muling tataas ito ngayong linggo, batay sa projection ng Unioil Petroleum Philippines.
Sa kanilang fuel price forecast para sa Pebrero 15 hanggang 21, sinabi ng Unioil na maaring tumaas ng P1.00 hanggang P1.10 ang halaga ng diesel bawat litro.
Samantala, maaaring tataas ng P1.10 to P1.20 bawat litro ang presyo ng gasolina.
Ito na ang pang-pitong sunod-sunod na linggo na patuloy na pagtaas ng halaga ng petrolyo.
Ayon sa ulat ng Reuters, patuloy na nagkakaroon ng upward trend sa presyo ng petrolyo, dahil sa possibleng “aggressive and unforecast Federal Reserve rate hike for a steeper rise in energy demand,” at sa “escalating fears” ng invasion ng Russia sa Ukraine.
Kadalasang pinapahayag ng mga oil companies ang mga price adjustmenta tuwing Lunes at ipapatupad ito sa susunod na araw.
Noong Pebrero 8, pinatupad ng mga fuel firms ang pagtaas ng presyo ng petrolyo, kung saan tumaas ng P1.05 bawat litro ang gasolina, habang P1.20 ang itinaas ng diesel bawat litro.
Samantala, ang year-to-date adjustments ay may kabuuang total net increase ng P6.75 bawat litro sa gasolina, P9.15 bawat litro para sa diesel at P8.45 bawat litro para sa kerosene.
(GMA)