Business
PANIBAGONG BAWAS PRESYO SA PETROLYO ASAHAN BUKAS -Unioil
Good news! Asahan na ng mga motorista ang panibagong tapyas sa halaga ng produktong petrolyo bukas April 12- ito’y ayon sa pagtatala ng Unioil Petroleum Philippines.
Sa kanilang pagtatala sa presyo ng petrolyo para bukas April 12 hanggang 18 ng taong kasalukuyan, may rollback na Php 0.20 hanggang Php 0.30 sa bawat litro ng diesel ayon sa Unioil.
Samantala may bawas din na Php 0.90 hanggang Php 1.00 naman sa presyo ng gasolina kada litro.
Kada Lunes ay nag aanunsiyo ang mga kumpanya ng petrolyo sa mga posibleng pagbabago sa kanilang presyo at ipinapatupad din kinabukasan.
Simula pa noong Abril 5, ang mga kumpanya ng langis ay nagbawas na ng kanilang domestic price sa gasolina ng halos Php 2.30 hanggang Php 2.50 kada litro at Php 1.85 hanggang Php 2.00 sa presyo ng diesel, Php 1.65 naman ang kabuuang nabawas sa halaga ng kerosene kada litro.
(GMA News)