Business
Pilipinas, nangunguna na nickel exporter sa mundo
Pumalo na sa number one post ang Pilipinas sa mga nangungunang bansa sa mundo na nickel production exporter.
Sinabi ni Isidro Alcantara, chairperson ng Philippine Nickel Industry Association, umabot sa 28-million metric tons ang production export ng mga nickel company noong 2018.
Pumangalawa dito ang Indonesia na mayroong 20-million metric tons na export production.
Ayon kay Alcantara, ang bansang China ang pinakamalaking nickel importer sa buong mundo.
Sa pagtaya ng Philippine Nickel Industry Association, lalo pang tataas ang demand ng nickel sa mundo dahil malaki ang demand nito sa produksyon ng mga baterya lalo pa at nauuso ang mga electronic devices na nakakatulong sa kalikasan.
Sa susunod na taon, posible umanong umabot sa 40-million metric tons ang magiging export production ng Pilipinas sa nickel.
Sa ngayon, mayroong 250,000 ang nalikhang trabaho ng nickel mining industry at posible pa umanong umabot sa isang milyon ang malilikha sa susunod na taon.
Nakapag-ambag din ng dagdag 30% sa regular corporate income tax, 5% excise tax, 10% royalty at business tax sa kabuuang revenue ng pamahalaan.
Source: radyopilipinas.ph