Connect with us

Business

Presyo ng gasolina at LPG muling tataas, halaga ng diesel at kerosene bababa

Published

on

Presyo ng langis

Muling tumaas ang presyo ng gasolina pati na rin ang liquefied petroleum gas (LPG), habang bumaba naman ang halaga ng diesel at kerosene.

Itataas hanggang P1.15 bawat litro ang gasolina, habang bababa ng P0.35 bawat litro ang diesel at P0.30 bawat litro naman ang kerosene simula ngayong araw.

Pinatupad ang mga adjustments sa presyo ng petrolyo simula ngayong 6 a.m, samantala inanunsyo ng Chevron Philippines Inc. na naging effective ito kaninang 12:00 a.m. at Cleanfuel pagdating ng 4:01 p.m.

Noong isang linggo, dahil sa mahigpit na supply at mataas na demand ng gasolina, patuloy na tumataas ang presyo ng krudo sa pandaigdigang mekado, ayon sa ulat ng Reuters.

Samantala, tumaas rin ang halaga ng LPG simula kahapon Nobyembre 1.

Sa isang advisory ng Petron, sinabi nila na itataas nila hanggang P3.10 per kg (kabilang na ang VAT) ang presyo ng LPG, habang tataas ng P1.73 bawat litro ang halaga ng AutoLPG.

“These reflect the international contract price of LPG for the month of November,” saad nila.

Sa ngayon, hindi pa binabahagi ng mga iba pang retailers ang kani-kanilang price adjustments.

Ang kasalukuyang halaga ng isang 11-kg household LPG ay mula P861.40 hanggang P1,076.40 bawat tangke sa Metro Manila.

(PhilStar)