Connect with us

Business

Presyo ng pandesal, hindi tataas ngayong Pasko

Published

on

Photo from the web

Wala raw dahilan ang mga bread producer para magtaas ng presyo ng pandesal at iba pang tinapay sa bansa.

Ito ang nilinaw ni Wilson Lee Flores, bread producer at ekonomista, dalawang buwan bago ang araw ng Pasko.

Paliwanag ni Flores, wala namang pagtaas sa presyo ng harina na pangunahing sangkap sa paggawa ng tinapay mula pa noong nakalipas na taon.

Bukod dito, naging stable na rin ang presyo ng asukal matapos ang bahagyang pagtaas nito kamakailan.

Ginawa ang pahayag ni Flores, kasabay ng selebrasyon ng ika-limang taong World Pandesal day.

Babala ni Flores, kung mayroon mang magtataas ng presyo ng tinapay ngayong Kapaskuhan, ay maituturing na aniyang isang pagsasamantala o posible ring maging dahilan ang iba pang market forces, gaya ng pabagu-bagong presyo ng petroleum products.

By Rey Ferrer

Source: radyopilipinas.ph