Connect with us

Business

Presyo ng petrolyo, bababa ngayong linggo

Published

on

Presyo ng langis

Matapos ang sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng petrolyo, sa wakas, inaasahang magkakaroon na rin ng roll back ngayong linggo, ayon sa projection ng Unioil Petroleum Philippines.

Batay sa kanilang forecast para sa Nobyembre 9 hanggang 15, sinabi ng Unioil na ang halaga ng gasolina bawat litro ay maaring bumaba ng P0.90.

Samantala, ang presyo ng diesel ay bababa ng P0.40 hanggang P0.50 bawat litro. Kadalasan, inaanunsyo ng mga oil companies ang kanilang price adjustments tuwing Lunes, at maisasatupad ito sa susunod na araw.

Ayon sa data ng Department of Energy (DOE), noong Nobyembre 2, itinaas ng mga lokal na oil companies ang presyo ng gasolina ng P1.10 hanggang P1.15 bawat litro, habang ang halaga ng diesel ay bumaba ng P0.35 hanggang P0.40 bawat litro.

Ang year-to-date adjustments ng gasolina ay may kabuuang net increase na P21.95 bawat litro, habang P18.10 bawat litro naman ang diesel.