Business
Presyo ng petrolyo, inaasahang bababa ngayong linggo
May magandang balita para sa mga motorista, sapagkat ayon sa mga oil companies bababa ang presyo ng petrolyo ngayong linggo.
Batay sa projection ng Unioil Petroleum Philippines para sa Nobyembre 23 hanggang 29, inaasahang bababa ang halaga ng petrolyo. Ang presyo ng gasolina ay bababa ng P1.10 hanggang P1.20 bawat litro.
Samantala, ang halaga naman ng diesel ay bababa ng P1.20 hanggang P1.30 bawat litro, at bababa ng P1.25 hanggang P1.35 ang presyo ng kerosene.
Ito na ang ikatlong sunod-sunod na linggo ng rollback ngayong buwan ng Nobyembre matapos ang mahigit dalawang buwang pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Malaking tulong sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagbaba ng presyo ng petrolyo lalong lalo na sa mga Pinoy na namimili.
Sa unang dalawang linggo ng rollback ngayong buwan, ang kabuuang nabawas sa presyo ng gasolina ay umabot na sa P1.90 bawat litro; P0.60 bawat litro ng diesel; at P0.75 bawat litro naman para sa kerosene.
Kadalasan ipinapahayag ng mga oil companies ang kanilang price adjustments tuwing Lunes at na-iimplement ito kinabukasan.
Samantala ang year-to-date adjustments ay nanatili sa kabuuang net increase na P20.05 para sa gasolina at P17.50 naman para sa dies
(ManilaBulletin)