Connect with us

Business

Presyo ng petrolyo, muling tataas bukas Jan. 11

Published

on

Presyo ng langis

Magkakaroon muli ng pagtaas ng presyo ng mga petroleum products ngayong linggo, ayon sa projection ng Unioil Petroleum Philippines.

Sa pangalawang beses ngayong buwan ng Enero, kailangan maghanda ang mga motorista sapagkat inaasahan na tataas nanaman ang halaga ng petrolyo.

Ayon sa mga industry players, maaring tumaas ang presyo ng gasolina ng P0.70 hanggang P0.80 bawat litro, habang tataas ang halaga ng diesel ng P0.85 to P0.95 bawat litro.

Samantala, inaasahan na tataas ang presyo ng kerosene ng P0.80 hanggang P0.90 bawat litro.

Magiging effective ito, bukas, Enero 11, 2022.

Kadalasan, pinapahayag ng mga oil firms tuwing Lunes at ipapatupad sa susunod na araw.

Ayon sa Department of Energy, patuloy na tumataas ang presyo ng mga petrolyo dahil sa “escalation of world oil prices” at isa rin sa mga factor ang depreciation ng Philippine peso sa US dollar.