Business
PRODUKSYON NG ISDA, BAHAGYANG TUMAAS SA 3RD QUARTER NG TAON
Bahagyang tumaas sa 3rd quarter ng taong ito ang produksyon ng isda na nagdulot rin ng bahagyang pag-angat ng performance ng Philippine fisheries sector.
Ayon kay Department of Agriculture (DA) Undersecretary at Bureau of Fisheries & Aquatic Resources o BFAR, National Director Eduardo Gongona, base sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) 1.8% ang inilago ng pangisdaan kumpara sa nakaraang taon partikular sa buwan ng Hulyo at Setyembre.
Nangangahulugan aniya ito ng tuluy-tuloy na positibong paglago sa produksyong naitala rin sa una & pangalawang quarter.
Kabilang sa aquaculture commodities na nakapag-ambag sa fisheries sector growth ang mga isdang bangus, skipjack tuna at seaweeds. – Tess Ramirez/ Radyo Pilipinas