Connect with us

Business

Realme, top smartphone brand sa Pinas

Published

on

Photo| Pickr.com

Muli na namang nanguna ang Realme sa smartphone industry sa bansa.

Ayon sa IDC, Canalys and Counterpoint Research, Realme ang Top smartphone brand sa Pilipinas sa dalawang magkasunod na quarter ng taon.

Batay sa Canalys, 26% na porsyento ng smartphone market sa bansa ay mula sa Realme, naungusan nito ang apat na ibang brands habang may 51% year-over-year growth sa ikalawang quarter ng 2021.

Unang nakuha ng China-based vendor ang posisyon sa ikatlong quarter ng 2020, wala pang dalawang taon bago ito unang pumasok sa Philippine market noong November 2018.

Ayon sa Counterpoint Research, isang global tech industry analysis firm, 32% ang market share ng Realme sa Philippine online market.

“We are truly grateful for the continuous support of our Filipino fans because without them, this success would not have been possible. Achieving the top spot for two consecutive quarters is no easy feat for a young brand, but we managed to achieve this milestone because of the love and trust of our squad,” saad ng Realme Philippines’ vice president for marketing na si Austine Huang.

Nakapagbenta na ng 100 million smartphones sa buong mundo ang nasabing gadget manufacturer mula 2018.

Ito na ngayon ang 7th largest smartphone brand sa 61 markets worldwide, kabilang ang China, India, Indonesia, Vietnam, Thailand, Malaysia, Europe, Russia, Australia at Egypt.

Via ABS-CBN news

Continue Reading