Connect with us

Business

Simula bukas presyo ng diesel tataas, habang bababa naman ang presyo ng gasolina

Published

on

Oil price

Ayon sa Unioil Petroleum Philippines, inaasahang muling magkakaroon ng pag-taas ng presyo sa diesel at kerosene, habang bababa naman ang halaga ng gasolina simula bukas, Mayo 31, 2022.

Sa kanilang fuel price forecast para sa Mayo 31 hanggang Hunyo 6, 2022, sinabi ng Unioil na maaaring tumaas ng P1.00 hanggang P1.20 kada litro ang presyo ng diesel, habang tataas ng P2.00 hanggang P2.20 kada litro ang kerosene.

Samantala, ang presyo ng gasolina ay maaaring ibaba sa pagitan ng P1.50 at P1.60 kada litro.

Kadalasang pinapahayag ng mga oil companies ang price adjustments tuwing Lunes at ipapatupad ito sa susunod na araw.

Noong nakaraang linggo, pinatupad nila ang rollback sa presyo ng diesel, habang tumaas naman ang halaga ng gasolina.

Ang pag-taas sa presyo ng langis ngayong taon ay dahil sa giyera sa pagitan ng Russia at Ukarine. Isa ring factor ang muling pagpatupad ng lockdown ng China.

Samantala, ang year-to-date adjustments ay may net increase ng P25.55 kada litro para sa gasolina, habang P29.10 naman para sa diesel.

Continue Reading