Business
Simula Pebrero 1, inaasahang muling tataas ang presyo ng petrolyo
Inaasahang muling tataas ang presyo ng petrolyo ngayong linggo, ayon sa forecast ng Unioil Petroleum Philippines.
Sa kanilang price forecast para sa Pebrero 1 hanggang 7, sinabi ng Unioil na ang presyo ng diesel ay tataas ng P0.70 hanggang P0.80 bawat litro, habang ang halaga ng gasolina ay tataas rin ng P0.70 hanggang P0.80 bawat litro.
Ito na ang pang-limang sunod-sunod na linggo na tumaas ang presyo ng petrolyo.
Noong nakaraang Martes, pinatupad ng mga oil firms ang pag-taas ng mga petroleum products, kung saan tumaas ng P1.40 hanggang P1.50 bawat litro ang halaga ng gasolina at ang presyo ng diesel bawat litro ay tumaas ng P1.80 hanggang P1.90.
Ayon sa latest data ng Department of Energy, ang year-to-date adjustments ay may kabuuang net increase ng P2.60 bawat litro para sa gasolina, P3.30 bawat litro para sa diesel, at P2.74 bawat litro para sa kerosene (as of Jan. 11).